Some netizens criticize the Kapamilya actress for staying silent

As many citizens take notice of celebrities participating in today’s rally, so do they take notice of those who are not. They’re particularly looking in the direction of Kathryn Bernardo, the country’s current box-office star, whose silence on the hot issue of corruption in government is a curiosity to them.
PHOTO/S: @bernardokath Instagram
Marami ang pumuri sa mga artistang sumuporta sa malaking anti-corruption rally ngayong araw, September 21, 2025.
Natuwa ang netizens na maraming mga sikat na personalidad ang dumalo sa pagkilos sa lansangan laban sa lumalalang pagnanakaw sa gobyerno.
Ilan sa mga namataan sina Vice Ganda, Anne Curtis, Nadine Lustre, Jodi Sta. Maria, Julia Barretto, Iza Calzado, Ivana Alawi, Gabbi Garcia, Maris Racal, at Andrea Brillantes.
Pinuri rin ang mga celebrity na nagpakita ng suporta online, tulad nina Marian Rivera, Angel Locsin, Dolly de Leon, at Judy Ann Santos.
Sa kabila nito, may mga na-disappoint sa mga personalidad na tila nanahimik ngayong araw.
Kasama sa mga hinahanap ay si Kathryn Bernardo.
“KATHRYN BERNARDO’S SILENCE”
Binanggit sa isang viral post sa X (dating Twitter), ngayong araw ang pangalan ni Kathryn.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
May higit sa 800,000 views at 23,000 likes na ang nasabing post as of press time.
“kathryn bernardo’s silence in this bothers me so much,” saad ng post ng X user na si aiden.
Kalakip ng post ang shared post ng pag-attend nina Maris Racal at Andrea Brillantes sa rally.
kathryn bernardo’s silence in this bothers me so much. https://t.co/YXvAeO1yF3
— aiden (@69fnck) September 21, 2025
Hinahanap ng presence ni Kathryn sa rally sa EDSA at maging sa Rizal Park sa Maynila.
Wala ring nakitang post ang Kapamilya actress tungkol sa rally o tungkol sa mainit na issue ng flood control corruption issue sa kanyang mga social media accounts.
Sagot ng ibang X users, wala raw aksyon mula kay Kathryn dahil sa kanyang rumored partner na pulitiko.
Matagal nang usap-usapan na boyfriend na diumano ng drama actress si Mark Alcala, alkalde ng Lucena City sa Quezon Province.

Photo/s: Screengrab from X
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Kathryn fans respond
Depensa naman ng fans ni Kathryn, nagpadala ang young actress ng mga pagkain at bottled water para sa mga rallyista.

Photo/s: Screengrab from X
Sa hiwalay naman na post ng Kathryn fan na si phenomenal_kcmb, pinili umano nila na mag-work in silence.
“Silence can be misunderstood, but actions will always speak louder than words. If the people are fighting for what is right, then so are the Bernardos. They are not blind to see, nor deaf to hear the cries around them,” saad ng fan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Kasama sa post ang mga larawan ni Mommy Min, na nanay ni Kathryn, na nasa rally sa EDSA. May dala siyang ilang kahon ng pagkain at tubig na ipinapamigay sa mga dumalo sa pagkikilos.
As we always remind, think first before throwing words at them. They may not speak out vocally — some may even see that as cowardice — but the truth is, they have always chosen to work in silence. Silence can be misunderstood, but actions will always speak louder than words. If… pic.twitter.com/pbp2HJT93B
— phenomenal_kcmb (@phenomenal_kcmb) September 21, 2025