
Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president, Fr. Pablo Virgilio Cardinal David, and Kapamilya A-lister Vice Ganda both agree that corrupt government officials must be held accountable for their crimes. However, while Vice supports the death penalty as punishment, Cardinal David does not.
PHOTO/S: Facebook
Nagkakasundo at nagkakaisa sina Vice Ganda at Fr. Pablo Virgilio Cardinal David sa panawagang maparusahan ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Ang It’s Showtime host at president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay parehong dumalo, nagmartsa, at nagsalita sa ginanap na rally sa People Power Monument sa Quezon City, Linggo, September 21, 2025.
Subalit kung hangad ni Vice na maibalik ang death penalty bilang parusa mga tiwaling pulitiko, contractors, at mga kasabwat sa nangyaring korapsiyon, hindi sang-ayon dito si Cardinal David.
Ang rally na dinaluhan ng tinatayang 50,000 katao mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ay panawagan para panagutin ang mga taong sangkot sa maanomalyang flood control projects sa Pilipinas.
Read: Vice Ganda backs death penalty return for corrupt politicians
VICE GANDA WANTS DEATH PENALTY BACK
Sa speech ni Vice, dalawang beses siyang nagpasintabi sa paring kasama nila sa entablado.
Alam niya kasing hindi pabor ang Simbahan sa pagbabalik ng capital punishment.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ang speech ni Vice ay nakarating na rin sa Malacañang dahil mismong si Claire Castro, undersecretary ng Presidential Communications Office, ay naglabas ng kanyang reaksiyon via podcast.
Pero ano naman kaya ang masasabi ng Simbahan sa panawagan ni Vice na ibalik ang death penalty?
CARDINAL DAVID REACTS
Ngayong Lunes, September 22, 2025, idinaan ni Cardinal David sa Facebook post ang kanyang saloobin.
Isa siyang vocal critic ng nakaraang administrasyon ni former President Rodrigo Duterte.
Naging matunog din ang pangalan ni Bishop David bilang isa sa mga Pilipinong obispo na posibleng ma-elect para sa papacy noong May 2025.
Sa kanyang latest Facebook post, pinasalamatan ni Cardinal David si Vice sa kanyang panawagan. Pero hindi niya pinapaboran ang death penalty.
“THANKS, VICE, BUT…” titulo ni Bishop David sa kanyang post.
Ipinaliwanag din niya kung bakit kontra siya rito: laging ang maliliit na tao kasi ang pinapatawan nito.
Sabi niya: “I understand the outrage and the demand for serious accountability. But the Church’s opposition to capital punishment is rooted in this reality: in practice, it is almost always the poor who end up executed, while the wealthy escape.”
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Kadalasan daw, ginagamit ng mayayaman at may kapangyarihan ang pera para makalusot sa parusang kamatayan.
“Those with money can buy the best legal defense, delay trials indefinitely, or manipulate the system. The defenseless and powerless have no such protection.”
Malalim daw ang ugat nito at makikita ito sa kasaysayan.
Pagpapatuloy ng pari: “History, too, warns us: the law is often weaponized by those in power. Remember how both St. John the Baptist and Jesus were swiftly condemned to death, while the truly guilty walked away unpunished.
“That’s why the answer to corruption cannot be more death, but a deeper reform of justice—one that protects the poor and holds the powerful accountable.”
NETIZENS REACT
Hati ang reaksiyon ng netizens ukol sa isyu.
Ang mga sang-ayon sa cardinal, naniniwala silang hindi sagot ang death penalty bilang parusa sa corrupt politicians.
Malinaw sa kanila ang naging paliwanag ni Cardinal David.
Sapat na raw ang hatol na guilty at kulong sa mga ito.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sabi ng isa: “I agree with you, Cardinal Ambo, re the death penalty. Ang kailangan natin ay swift justice. Kailangan lang na managot at makulong agad ang mga nagnakaw at nagkasala. That would be enough of a deterrent.”

May netizen ding nagkomento na nauunawaan daw niya ang galit ni Vice, pero hindi raw ang death penalty ang sagot.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Aniya: “Asking for death as punishment may come from anger and pain, but real justice and healing come from fixing the system so we Filipino can trust it and feel protected.”


ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Dumepensa naman ang mga supporters at tagapagtanggol ni Vice.
Sabi ng isang fan, ang penalty ay partikular para sa mga corrupt officials at hindi para sa maliliit na tao.
“He specifically said corrupt gov’t politicians and officials. NOT the defenseless and powerless,” sabi nito.

Sagot naman ng isa pang nagtanggol kay Vice, huwag lang mag-focus sa panawagan ni Vice na ibalik ang death penalty.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“But your focusing on that one bit when he called for capital punishment for the plunderers, you have have diminished unwittingly the impact of her speech by collectively capturing our outrage against them with just there powerful words—putang ina niyo!”

Isang netizen ang nagpaliwanag na marahil ay nadala si Vice ng kanyang emosyon pero malinaw naman daw ang mensahe niya.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sabi nito, “Bishop with due respect, kailangan pong unawain ang ibinuhos ni Vice mula sa konteksto ng galit sa ganid. Minsan kapag nagbubuhos ng hinanakit hindi naisasaayos ang mga binabanggit ngunit ang dalang mensahe ay mas mahalaga at mas makapangyarihan kaysa napakaayos na mga doktrina ng Simbahan.”

Ang iba, binalikan ang cardinal sa ginawang panawagan ng kanyang pamangkin, ang GMA-7 journalist at host na si Kara David.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Nag-viral si Kara kamakailan dahil sa birthday video kunsaan ang birthday wish daw niya ay mamatay ang mga kurakot.
Parte ng komento ng netizen: “Vice just verbalized what ordinary citizens feel right now. Just like when your niece, Kara wished for during her birthday last week. But…”

Ito rin ang sinabi ng isa pang netizen: marahil ay nadala lang ng matinding emosyun sina Vice at Kara.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Tama naman po, Cardinal Ambo. Hindi kaya possible though na nasabi niya yun, ng inyong pamangkin na si Kara David at ng marami pang mga Filipino out of outrage lang? Out of galit sa nangyayari sa bansa?
“Lahat naman tayo napapamura, napapakulo ang dugo sa galit.
“Mainam na ni acknowledge niyo ang outrage ni Vice. Okay din naman ang paalala niyo about capital punishment.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓