Robin Padilla: “Magpapakamatay na lang po ako kung gagawin ko yun.”
Senator Robin Padilla: “Wala po akong ginawang pambabastos sa religion namin at wala rin akong ginawang pambabastos sa ating watawat. Wala po.” Left: Photo published by a news site; Right: Padilla’s own photo showing it was his index finger—not his middle finger—that was raised.
PHOTO/S: Robinhood Padilla Facebook
“Magpapakamatay na lang po ako kung gagawin ko yun.”
Ito ang deklarasyon ng aktor at senador Robin Padilla sa paratang na gumamit siya ng dirty-finger sign habang inaawit ang “Lupang Hinirang” sa plenaryo ng Senado.
Sa kanyang biglaang Facebook live broadcast ngayong Huwebes ng gabi, Setyembre 11, 2025, bakas sa mukha ni Padilla ang matinding lungkot na nararamdaman dahil sa inilabas na ulat ng isang news organization.
Lahad ng actor-politician: “Ito pong nangyayari ngayon, nagulat po ako.
“Isa pong napakalaking para po sa akin, e, pagsubok po ito sa aking pananampalataya, at isang bagay po ito na kapag ito ay napaglabanan ko nang tama, ako po ay bibigyan ng gantimpala ng Allah.
“Kasi po ngayon, pagdating ko sa bahay, ang akin pong maybahay [Mariel Rodriguez] ay siya po ay may kalungkutan.
“Siya po ay nababahala sapagkat naglabas po ng isang news ang [news organization].
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Ito pong [news organzation] ay sa matagal na panahon ay naging kaibigan ko po ang mga ito, e. Hindi ko pa malaman kung bakit sila gumawa ng ganitong article.
“Sabi po dito, e, ‘Senator Padilla’s dirty finger.'”
CONTENT OF THE POST
Binasa nang buo ni Robin ang nilalaman ng tintukoy niyang article:
“During the opening of the Senate plenary session on September 8, 2025, Senator Robin Padilla flashed his middle finger — a vulgar gesture — while making it appear he is just placing his right hand to his left chest while singing the Philippine national anthem.
CONTINUE READING BELOW ↓
“It was during the plenary session when Senator Chiz Escudero whom Padilla and other Duterte allies supported, was ousted as Senate president.’”
Kalakip ng post ang larawan ni Robin, kung saan nakapatong ang kanyang kanang kamay sa may dibdib niya at tila nakaangat ang kanyang middle finger.
ROBIN PADILLA EXPLAINS PLACEMENT OF INDEX FINGER
Kasunod nito ay naglabas ng hinaing ang senador.
“Alam ninyo po, kung ako ay may pagkakamali, dapat lang, kahit magkakaibigan kayo, e, banatan ka. Gawan ka ng isyu.
“Pero ito pong ganap na ito, hindi po nangyari ito. Meron pong larawan na tunay kung ano po yung ating ginagawang talima.
“Gusto ko pong iparating sa inyong lahat, ito po ay banal sa aming mga Muslim,” sabi ni Robin, na ipinakita ang kanyang hintuturong daliri.
Photo/s: Robinhood Padilla Facebook
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
May kinalaman daw sa kanyang relihiyon bilang Muslim ang puwesto ng index finger o hintuturo kapag inaawit ang Philippine National Anthem.
Pagpapatuloy niya: “Banal po ito sapagkat ito po ang ibig pong sabihin nito, la ilaha illa Allah. Ibig sabihin, ‘Walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah.’
“Ito po ang pundasyon ng aming pananampalataya. Dito po nakasalalay ang aming pag-ibig, paggalang, pagsunod sa Panginoong Allah.
“Hindi po namin puwedeng gawing kabastusan ito.”
Sabi pa ni Robin: “Magpapakamatay na lang po ako kung gagawin ko yon.
“Hinihingi ko po na huwag muna sana itong gawing kalokohan dahil ito po ang pundasyon ng lahat ng paniniwala ng Muslim.
“Ibig pong sabihin nito, kapag inilagay namin dito [sa dibdib], Diyos ang una. Panginoong Allah ang una sa lahat.
“Kaya po kapag kumakanta ng ‘Lupang Hinirang,’ kaya po yan nakalagay dito, tunay na mahal namin ang bansang Pilipinas.
“Tunay po yan, pero una ang Panginoong Allah.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Yan po ay mababasa natin sa konstitusyon natin. Una ang Panginoong Diyos.”
Pakiusap pa niya sa news organization: “Huwag naman ganyan. Huwag naman yung pananampalataya ko po ang inyong banatan.
“Hindi ko naman po kayo pinipigilan kung meron akong ginawang pagkakamali. Banatan ninyo ako kahit magkakaibigan tayo.
“Pero pagdating po sa pananampalataya namin, nagpapakamatay po kami para sa pananampalataya namin.
“Handa po naming ibigay ang buhay namin sa Allah.”
“FAKE NEWS”
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Robin bago niya ipinakita ang malinaw na kopya ng larawan na nagpapakita na ang kanyang hintuturo, hindi ang napagkamalang gitnang daliri, ang nakapatong sa dibdib niya habang inaawit ang “Lupang Hinirang.”
Photo/s: Courtesy of Robin Padilla
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Nanawagan din si Robin na huwag paniwalaan ang lumabas na fake news.
“Ayan po, makikita ninyo po na wala po akong ginawang pambabastos sa religion namin at wala rin akong ginawang pambabastos sa ating watawat. Wala po.
“Kaya mga kababayan, nagpipigil po ako kasi ang sabi ng Allah, ang sabi ng Rasul, kapag inaapi ka, ikaw ay magpakumbaba, magpigil ng galit, mas lalake ka, mas matapang ka.
“Humihingi po ako, sa mga kababayan natin na nailigaw nito ng fake news na ito, ng fake news article na ito.
“Sa lahat po sa inyong lahat, hinihingi ko po sa inyo na huwag po kayong maniwala na gagawin ko po ito.
“Magpapakamatay na lang po ako, hindi ko po yan magagawa.”
Sabi pa niya: “Marami po ang nagsasabi sa akin na magdemanda ako. Ay, mababawasan po ako ng reward.
“Ipagpapasa-Diyos ko po ito dahil sa aming pananampalataya, ang ibibigay mo sa Allah, Siya po ang magbibigay sa akin ng gantimpala at bahala na po sa inyo ang Allah.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓