×

 claims politicians, 120M Filipinos want them dead

Rep. Luistro dismisses Curlee Discaya’s belief of becoming a state witness.

curlee discaya congress hearing

Contractor Curlee Discaya: “Yung nangyayari po sa amin ngayon ay parang nakakahiya. Para kaming magnanakaw samantalang hindi naman po kami nagnakaw. Napilitan lang po kaming gawin ang bagay na ito sapagkat minu-mutual terminate nila ang mga project namin.”
PHOTO/S: House of Representatives of the Philippines Facebook

Isang araw bago humarap si Sarah Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 1, 2025, nagsimba sila ng kanyang asawang si Curlee Discaya at mga anak sa Minor Basilica of Our Lady of the Most Holy Rosary sa Manaoag, Pangasinan, noong Agosto 31.

Gumamit ng facemask ang mag-anak para hindi sila makilala ng mga tao.

Pero napansin pa rin ang kanilang presence dahil ilang araw nang nakikita ang mga larawan nila sa mga pahayagan at social media, buhat nang sumabog ang eskandalo tungkol sa flood control projects.

Sa sermon ng pari, binanggit nito ang korapsyon at mga anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.

Inisa-isa rin ng officiating priest ang pangalan ng mga construction company na sangkot.

Narinig ito ng pamilya Discaya na nasaktan ang mga damdamin.

Read: Vico Sotto warns public not to be deceived by Discayas’ lies

CURLEE DISCAYA GRILLED BY REP. GERVILLE LUISTRO

Nitong Martes, Setyembre 9, dumalo si Curlee sa House Infrastructure Committee hearing tungkol sa kontrobersiyal na flood control projects.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi niya kasama si Sarah dahil masama umano ang pakiramdam nito.

Ayon kay Curlee, nakararanas si Sarah ng “palpitation yung puso” at pagtaas ng insulin dahil sa tensiyong nararamdaman.

Inaalagaan din umano ng kanyang asawa ang kanilang apat na anak na apektado na rin ng malaking problema nila.

Si Batangas Second District Representative Atty. Gerville Luistro ang isa sa mga nagtanong kay Curlee sa pagdinig kahapon.

Naging sentro ng pag-uusisa ni Luistro ang sinumpaang salaysay na binasa ng mag-asawa sa Senate Blue Ribbon Committee hearing noong Lunes, Setyembre 8, 2025.

curlee discaya gerville luistro

Contractor Curlee Discaya being questioned by Rep. Gerville Luistro. 
Photo/s: GMA Integrated News

CONTINUE READING BELOW ↓

Ang unang tanong ni Luistro: “Hindi ka ba natatakot makulong?

Sagot ni Curlee: “Natatakot, You Honor.”

Luistro: “Hindi ka ba natatakot makulong ang asawa mo?”

Curlee: “Natatakot, Your Honor.”

Luistro: “Hindi ka ba natatakot na mapalayo kayong mag-asawa sa inyong mga anak?”

CONTINUE READING BELOW ↓

Curlee: “Natatakot, Your Honor.”

Luistro: “Then why? Why did you execute this affidavit?”

THE DISCAYAS VS “12O MILLION FILIPINOS” and politicians

Ang tinutukoy ng mambabatas ay ang sinumpaang salaysay nina Curlee at Sarah kung saan pinangalanan nila ang congressmen at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na binigyan umano nila ng malaking porsyento mula sa pondo ng flood control projects ng kanilang construction company para sa pamahalaan.

Sa kanyang sagot, sinabi ni Curlee na pinangangambahan niya ang kaligtasan nila ng kanyang pamilya.

Pakiramdam din daw niya ay gusto silang patayin ng “120 million Filipinos” dahil sa kinasasangkutan nilang isyu.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pero pakiramdam din niya ay hindi ang mga Pilipino ang papatay sa kanila kundi ang mga politikong pinangalanan nila.

Saad ni Curlee: “Your Honor, mas natatakot po kami [para] sa buhay namin ngayon dahil kinukuyog na po kami ng taumbayan.

“Kaya nag-execute po kami ng affidavit na ito dahil 120 million Filipinos po ang parang gusto kaming patayin, at kami na rin po ang pinag-uusapan sa mga misa ng simbahan.”

Dagdag pa ng contractor: “Kaya napilitan po… sa totoo lang po, napilitan po yung mga kamag-anak ko na gusto na nilang magsalita sapagkat po lumalabas na parang ang sama-sama po namin.

“Para pong gusto kaming patayin ng buong 120 million na Pilipino.

“Kaya ngayon po, naisip ng misis ko at ako po na mas mabuti pong yung mga pinangalanan namin dito ang maging kaaway namin.

“Alam namin na ito lang po ang papatay sa amin, itong mga taong ito, hindi po yung 120 million Pilipino na gusto kaming katayin.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

CURLEE DISCAYA DENIES “MAGNANAKAW” TAG

Mariing pinabulaanan ni Curlee ang mga akusasyong magnanakaw sila ni Sarah.

Rason niya, napilitan lamang daw silang magbigay ng komisyon sa mga taong kanilang tinukoy para hindi mapahinto ang mga proyekto nila.

“At yung nangyayari po sa amin ngayon ay parang nakakahiya. Para kaming magnanakaw samantalang hindi naman po kami nagnakaw.

“Napilitan lang po kaming gawin ang bagay na ito sapagkat minu-mutual terminate nila ang mga project namin. Hindi kami sinisingil…

“Kaya kami po ay isinigaw na lang po namin ito kasi namili po kaming mag-asawa—isang kilong bulak o isang kilong ginto?

“Ang pinili po namin, isang kilong ginto dahil, unang-una, pareho lang naman silang mabigat, yung bulak saka yung ginto.

“Pareho silang mabigat pero pinili po namin yung ginto.”

Sabi pa ni Curlee: “Kahit po kami mamatay bukas o papatayin kami ng mga pulitikong iilang piraso na ito, alam po namin na may dangal po kami na mamamatay kesa naman patayin kami ng buong Pilipino sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit saan po kami magpunta — sa dulo ng Mindanao, Luzon, at Visayas — ay parang kaaway namin po ang lahat ng Pilipino.

“Samantalang ngayon po, natatakot kami [para] sa buhay namin, alam namin kung sino yung mga kaaway namin.”

CURLEE DISCAYA ON BECOMING A “STAR WITNESS”

Tila naniniwala si Curlee na magiging state witness sila ni Sarah dahil sa kanilang sinumpaang salaysay.

Mapapansin ito sa tono ng kanyang pananalita.

Aniya: “Yung mga pinangalanan po namin, ito na lang po ang alam naming kaaway. Hindi po 120 million Filipinos ang kaaway namin.

“Kaya sana po, pagbigyan ninyo po sana kami, kasi yung iba pa pong mag-witness na mga contractor, kung ako po ay inyong parurusahan sa ginawa kong ito, ako po ay papagalitan po ninyo, wala na pong iba pang sisigaw na mga contractor sa buong Pilipinas dahil, unang-una, matatakot na sila kung ano po ang mangyayari sa akin.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi ang mangyayari po, parang nagbibigay tayo ng hudyat sa iba-ibang mga contractor na, ‘Hoy, tingnan ninyo ang nangyari kay Curlee at saka kay Sarah, tutulad ba kayo diyan para mag-star witness?’

“Hindi na sila sisigaw. Parang nagbibigay po tayo ng anyaya sa lahat ng mga tao na ang maging star witness.”

Binasag ni Luistro ang maling akala at paniniwala ni Curlee sa pamamagitan ng pagpapaliwanag tungkol sa mga dahilan para maging state witness ang taong sangkot sa isang kaso.

Sabi ni Luistro kay Curlee: “I wish to believe that you are not yet a witness much less a state witness, and that reminds me as well of Paragraph 33 of your affidavit. Who gave you the idea about state witness?”

Sagot ni Curlee: “Tinanong ko rin po sa mga lawyers din po namin.”

Luistro: “What do you understand about becoming a state witness? Who decides for you to become a state witness?”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Curlee: “Ah… ang Presidente po at saka yung Senate po.”

Pagkontra ni Luistro: “I don’t think so, Mr. Discaya.

“Becoming a state witness is a decision that comes from the court and not from you, and there are requirements that we have to consider.

“If I may share these to the public, under the rules of court, to become a state witness, number one, there must be an absolute necessity for the testimony.

“Number two, it can be corroborated.

“Number three, no other direct evidence.

“Number four, no previous conviction.

“Number five, the accused must appear as not the most guilty.”

Tanong ni Luistro kay Curlee: “Do you think with these requirements, the court will approve your application to become a state witness?”

Sagot ni Curlee: “Yes po, Your Honor.”

Luistro: “Do you appear as not most guilty?”

Curlee: “Yes po, Your Honor.”

Sa mga sagot ni Curlee, tila nakakundisyon na ang isip niyang wala siyang sala sa mga ibinibintang laban sa kanya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Muling pagpapaalala sa kanya ni Rep. Luistro: “But you have to realize nonetheless, Mr. Discaya, it is not you who decide.

“It is the court who decides whether you will be admitted or not as a state witness.

“And if you are not admitted as state witness, definitely then you will be one of the co-accused.

“And with your admission that you made already in the Senate and before this committee, I think the offense of plunder is already established.

“That is why I wish to go back to the question, what made you decide to execute this affidavit considering the very complicated consequences of your admission?”

Ipinaalaala rin ng mambabatas kay Curlee na walang piyansa at habambuhay na pagkakakulong ang parusa sa mga mapatutunayang plunderer o mandarambong.

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News