Neri Miranda back to her daily routine after trauma
Neri Miranda:
Neri Naig Miranda reveals her coping mechanism after traumatic experience: “Malaking parte ng therapy ko, yung mga manok ko. Iba-iba tayo ng paraan ng pag-heal at pag-cope. Hindi siya madali, pero ang importante… lumalaban para sa pamilya.”
PHOTO/S: Instagram
Unti-unti na raw bumabalik sa kanyang dating gawain ang negosyante at dating artista na si Neri Naig Miranda.
Ito ay matapos ibasura ng korte ang reklamo sa kanyang may kaugnayan sa 14 counts of violation of the Securities Regulation Code (SRC) at syndicated estafa.
Noong Sabado, September 6, 2025, masayang nagbalita si Neri tungkol sa love letters ng asawang si Chito Miranda.
Kahit daw simpleng notes lamang mula sa asawa ay mahalaga sa kanya at may sarili siyang lalagyan para dito.
May hiwalay rin daw siyang journal kung saan isinusulat niya rito ang pasasalamat niya sa Panginoon na binigyan siya ng asawang kasingbait ni Chito.
Lahad ni Neri: “I love letters. Kahit simpleng notes lang, sobrang precious sa akin.
“Lahat ng love letters ni Chito mula pa noong 2012, tinatago ko. May sarili silang box.. mga sulat na hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako kapag binabalikan. Even yung old movie tickets namin noong nagde-date pa kami, nasa scrapbook ko pa rin.
“May journal din ako para sa kanya, sinusulatan ko araw-araw para magpasalamat sa unconditional love nya, sa pagprotekta at pag-aalaga niya sa akin. Lagi rin akong nagpapasalamat kay Lord na binigyan Niya ako ng asawang ganito.
“Bukod dun, marami talaga akong journals. Gusto ko kahit sa thoughts ko, organized ako. Sa overwhelming gawain ng nanay, kahit thoughts lang sana, organized man lang, hehe!”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
May bagong sulat sa kanya ang asawa kung saan makikita rito ang nakasulat na petsa: September 5, 2025.
Ayon kay Neri, bumabalik na sa normal ang ikot ng buhay niya matapos siyang makaladkad sa isang kontrobersiyal na kaso at pagkakakulong ng ilang araw sa Pasay noong 2024
“Kanina ko pa nabasa yung letter, around 4:30am pagkagising ko.. nilagay ni Chito kase sa side table ko yung sulat.. nagsalang lang ako ng laundry muna… yan ang routine ko tuwing umaga.
“Dahil walang pasok ngayon, wala akong baon na gagawin para sa mga bata. Breakfast na lang mamaya… craving scrambled eggs, pero hindi na kami nauubusan ng itlog ngayon, hehe. Magha-honey lemon tea muna ako, then check my to-do list for today.
“Masaya ako kasi unti-unti, bumabalik na ang routines ko. Nawala talaga sila dahil sa trauma na pinagdaanan ko, pero eto ngayon… slowly living, slowly healing. Hindi pa 100%, pero nag-i-improve, nagiging functional ulit.”
NERI MIRANDA SAYS HER CHICKENS HELPED IN HER RECOVERY
May nakakatawang pag-amin naman si Neri sa bandang dulo ng kanyang post.
Ang pag-aalaga kasi ng manok na paiitlugin ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon.
Lahad niya, “At malaking parte ng therapy ko, yung mga manok ko.
“Iba-iba tayo ng paraan ng pag-heal at pag-cope. Hindi siya madali, pero ang importante… lumalaban para sa pamilya.
“At sa ganitong paraan ng pag-share, sana may ma-inspire na mas lumaban din sa buhay. Hindi madali, yes.. I know. Pinagdadaanan ko yan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Pero palagi kong pinapaalala sa sarili ko: hiram lang natin ang buhay na ito sa Panginoon. Kaya alagaan natin.
“At tandaan, may pamilya tayo na andyan, patiently waiting for us to heal 100%.
“In God’s perfect time, magiging okay ka rin.
“For now, one step at a time. Maybe try writing your thoughts down, or plant a tomato.
“Kaya always be kind. You never know what someone is going through. Hindi man nila pinapakita, pero hindi mo alam yung bigat na dinadala nila at kung paano sila lumalaban araw-araw.”