Pasig City Mayor Vico Sotto on Discaya couple’s testimony: “Mag-ingat po tayo sa mga naririnig natin… Gusto nila na lituhin tayo. Gusto nila na hindi na natin malalaman kung ano ang totoo para, eventually, mawawala na lang na parang bula. Magkakalituhan na tayo. Hindi na natin malalaman kung ano ang totoo sa hindi.”
PHOTO/S: House of Representatives of the Philippines Facebook
Binago ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang matanda at nakagisnang salawikaing “Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.”
Sa kanyang pagdalo sa House Infra Committee hearing tungkol sa mga anomalya sa flood control projects ngayong Martes, Setyembre 9, 2025, sinabi niya: “Ang sinungaling ay asawa ng magnanakaw.”
Ang pinatatamaan ni Sotto ay si Curlee Discaya, na dumalo rin sa pagdinig sa Kongreso ngayong araw.
Sina Curlee at Sarah ang nagmamay-ari ng Alpha & Omega Gen. Contractor & Dev’t Corporation at St. Timothy Construction Corporation.
Kabilang ang dalawang kompanya sa Top 15 construction companies na pinangalanan ni President Ferdinand Marcos Jr. na may kaugnayan sa mga maanomalyang flood control projects.
Mula sa salitang mastermind, tinawag ni Vico si Curlee na “Mistermind.”
MAYOR VICO SOTTO AS RESOURCE PERSON
Dumalo si Vico sa House Infra Committee hearing bilang resource person.
Nang mabigyan ng pagkakataong magsalita, hindi siya nangiming sabihin ang kanyang mga nalalaman tungkol sa mga Discaya.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Nakalaban ni Vico si Sarah sa mayoral race sa Pasig City sa halalan noong May 2025.
Dire-diretsong pahayag ng alkalde: “They have nine construction firms that we have seen now in the news, the nine calling card companies of the spouses Discaya where they have used dummies, where they have become huge contractors, and all of these nine companies are based in Pasig.
“Practically, all of these companies have tax deficiencies probably with the BIR as well, but definitely with the LGU.
“Marami po silang violations, recently, they have been… Mr. Discaya has been recently convicted of two counts of building code violations so medyo notorious po ito.
“Kahit noong mayor na ako, nangongontrata pa rin sila sa LGU kasi ipinapatupad po namin sa Pasig ay strict adherence to the law which is open and public bidding.
“So, kapag nagku-qualify po sila mula 2019, hindi po namin yon hinaharangan, may mga project po sila sa City Government of Pasig.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
“Hindi naman siguro kalakihan na project pero meron po silang projects with the city. And we have observed na with the DPWH, palaki nang palaki yung mga project nila.”
Curlee and Sarah Discaya attend the Senate Blue Ribbon Committee inquiry on September 8, 2025.
Photo/s: Senate of the Philippines Facebook
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
VICO SOTTO ON “LIES” OF THE DISCAYAS
Naglitanya si Vico nang tanungin tungkol sa inconsistencies sa mga pahayag ng Discaya couple noon pa man at magpahanggang ngayon.
Saad niya: “Marami nga po tayong naobserbahan na you used the word inconsistencies, but I would like to be more direct.
“Kasinungalingan po talaga at lantarang kasinungalingan naman po yung mga sinasabi nito.
“Hindi naman po bago sa kanila ang pagsisinungaling. Naobserbahan na po natin ito on the record and in public, many, many times.”
Partikular na pinuna ni Vico ang pahayag ng mga Discaya na “two to three percent” lang ang kita nila sa bawat kontratang nakukuha nila mula sa gobyerno.
Aniya: “Sabi nga dito sa kaso na ito, ang sinungaling ay asawa ng magnanakaw, kaya ito po talaga yung nakikita natin.
“Isang very glaring na kasinungalingan ay yung kahapon po, sa statement, sa sworn statement po nila na two to three percent lang daw ang kinikita nila sa bawat kontrata.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“E, kahit naman po hindi ka eksperto sa larangan ng construction, ng engineering, obvious na obvious naman po na kasinungalingan ito.”
Dagdag pa ng Pasig City mayor: “Meron pa po, sabi po nila when Senator [Raffy] Tulfo was questioning them, sabi niya po, minsan daw po, lugi pa raw siya.
“Ang bait naman po ng mga ito kung tumatanggap sila ng kontrata sa gobyerno, nagbi-bid sila para malugi.
“No sane business person would do that, of course. I think everyone in this room would agree.
“Sinasabi nila, two to three percent yung normal, five percent daw kapag sinuwerte.
“Kapag kinompute po natin… we just apply simple logic, it is already clear that they’re lying.
“Although alam ko medyo iba yung logic na ginagamit nila sa sa universe po nila, pero pag tiningan po natin logically, two to three percent of even a hundred million, e, di two to three billion pesos lang po ito?”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
DISCAYAS ON FLAUNTING THEIR BILLIONS
Binigyang-pansin din ni Vico ang paglalantad mismo nina Sarah at Curlee ng kanilang marangyang pamumuhay sa interviews nila.
“E, sila naman po yung nagmalaki at nag-flaunt. Ipinagyabang po nila yung lifestyle nila.
“Sabi nga po nila sa isang interview, eleven digits. Sabi po nila, ipinagyayabang nila, eleven digits.
“Sabi ni Ma’am Cezarah, eleven digits ang assets nila, so hindi bababa sa ten billion.
“Nakita po natin, isang jade lang sa office nila, hundred million na kaagad yon.
“Yung mga sasakyan, if they paid the correct taxes, it could easily reach almost a billion, if not more than a billion.
“How will you afford that if you’re only earning two to three percent profit?
“Sabi naman nila, wala silang private contracts, ayaw na raw nila sa private kasi maliit ang kita. Nasa interbyu din po nila.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Ang tinutukoy na interview ni Vico ay ang magkahiwalay na panayam ng broadcasters na sina Julius Babao at Korina Sanchez sa mag-asawang Discaya.
Ayon pa kay Vico: “Mabuti na lang po, ang isda ay nahuhuli sa sarili nilang bibig ano?
“Buti na lang po, ganoon silang magsalita in public kaya nalaman natin ang mga katotohanan.”
MAYOR VICO ENCOURAGES THE PUBLIC TO BE MORE DISCERNING
Sa huling bahagi ng kanyang pahayag, hinikayat ni Vico ang publiko na maging maingat sa mga impormasyong ibinabahagi ng mga Discaya sa kanilang mga testimonya.
Aniya: “I would just like to… Hindi naman warning pero siguro, ang aking paghikayat sa bawat isa, pati na rin sa mga ordinaryong mamamayan na mag-ingat po tayo sa mga naririnig natin.
“Alam naman po ng lahat ng mga tao sa kuwarto na ito na may guilty na senador, may guilty na congressman, may guilty na DPWH officials, may guilty na contractor, at maaaring sa iba pang ahensya ng pamahalaan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Pero sa puntong ito, nakikita po natin, hindi lamang sila basta naglalaglagan, gusto nilang magulo ang kuwento.
“Gusto nila na lituhin tayo. Gusto nila na hindi na natin malalaman kung ano ang totoo para, eventually, mawawala na lang na parang bula. Magkakalituhan na tayo.
“Hindi na natin malalaman kung ano ang totoo sa hindi. Magbabanggit na lang ng kung ano na wala naman silang pruweba o ebidensya.
“Sa mga pangalan pong nabanggit niya kahapon, naniniwala ako na may iba doon totoo, pero they have to present evidence, of course.
“And I think, we really have to be careful because in my experience with them, these are people who are really capable of lying without batting an eyelash.
“So we have to very careful in how to perceive.”