Senator Jinggoy Estrada denies allegation.
Former Bulacan First District Assistant Engineer Brice Hernandez (not in photo) tags Senators Jinggoy Estrada (left) and Joel Villanueva (right) in alleged flood control kickbacks in Bulacan.
PHOTO/S: Jinggoy Estrada/Joel Villanueva on Facebook
Mariing itinanggi ni Senator Jinggoy Estrada ang paratang ni dating Bulacan First District Assistant Engineer Brice Hernandez na sangkot siya sa maanomalyang flood control project.
Sa pagharap ni Hernandez sa House of Representatives’ Infra-Committee Hearing ngayong Martes, September 9, 2025, sinabi niyang bukod sa government officials at congressmen, may mga senador din umanong sangkot sa ghost flood control projects sa Bulacan.
Diumano, ito ay sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Joel Villanueva.
Binanggit din ni Hernandez sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Robert Bernardo at District Engineer Henry Alcantara.
Pahayag ni Hernandez: “Ako po ay na-contempt kahapon sa Senate Blue Ribbon Committee. Habang ako po ay naka-detain, napaisip po ako at nagdesisyon na maglabas ng ilang nalalaman ko sa flood control project base po sa aking natatandaan sa ngayon.
“Tama po si Senator [Ping] Lacson na ang mga engineers ng DPWH ay tila naging legman o bagman na lang.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Kung tatanungin niyo po ako kung sino o kanino kami naging bagman, sasagutin ko na po ngayon.”
Ang “legman” o “bagman” ay tumutukoy sa tagadala o tagakolekta ng pera — karaniwang galing sa lagay, suhol, o ilegal na transaksyon — para sa isang mataas na opisyal o makapangyarihang tao.
Bago pangalanan, binalikan ni Hernandez ang naging biro ni Senator Rodante Marcoleta kay Estrada sa Senate Blue Ribbon Committee Inquiry kahapon, September 8.
Matapos pangalanan ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang mga kongresistang sangkot umano sa korapsyon, tinanong ni Estrada kung may sangkot ding mga senador.
“Your Honor, wala po,” sagot ni Curlee.
Hirit ni Marcoleta kay Estrada, “Safe ka na.”
Bagay na inalmahan ni Hernandez sa pagharap niya sa pagdinig sa Kongreso ngayong araw.
Saad niya: “Sabi ni Senator Marcoleta kahapon, ‘Ligtas ka na.’ Hindi po ito totoo.
“Si Senator Jinggoy Ejercito -Estrada, Senator Joel Villanueva, Usec. Robert Bernardo at Henry Alcantara.
CONTINUE READING BELOW ↓
“Si Senator Jinggoy po ay nagbaba ng PHP355 million ngayong 2025 sa mga ilang projects sa Bulacan.
“Ang kanyang SOP [standard operating procedure] dito ay 30 percent, as per our district engineer Henry Alcantara.
“Dineliver ito noong lumabas ang mga item na ito sa GAA [General Appropriations Act].
“Noong 2023 naman, naglabas ng PHP600 million si Senator Joel Villanueva at ang SOP nito ay 30 percent din.
CONTINUE READING BELOW ↓
“Binigay din ito nang lumabas sa GAA at idineliver sa bahay niya sa Bocaue ni DE Alcantara at dating hepe ng aming construction, si Engineer JP Mendoza.”
Former DPWH assistant engineer Brice Hernandez reveals the alleged involvement of Senator Jinggoy Estrada and Joel Villanueva in the abnormal flood control projects.
Photo/s: Screengrab GMA Integrated News on YouTube
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
JINGGOY DENIES link to flood control projects
Agad namang naglabas ng pahayag si Estrada para itanggi ang alegasyon sa kanya ni Hernandez.
Para patunayang wala raw siyang kasalanan, hinamon ni Estrada si Hernandez na sumailalim sa lie detector test para malaman ng taong-bayan kung sino sa kanilang dalawa ang nagsasabi ng totoo.
Pahayag ni Estrada: “I categorically and vehemently deny the claims made by Brice Hernandez.
“I challenge him. Let us take a lie detector test before the public para malaman ng lahat kung sino ang nagsasabi ng totoo.
“Talk is cheap — handa akong patunayan na pawang kasinungalingan ang sinasabi niya tungkol sa akin.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag si Senator Villanueva sa pagdadawit sa kanyang pangalan sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.