Pasig City Mayor Vico Sotto (left) casts doubt on the testimony of contractors and couple Curlee and Sarah Discaya (right) during the second Senate Blue Ribbon Committee inquiry on anomalous flood control projects.
PHOTO/S: Mayor Vico Sotto on Facebook
Pinuna ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang testimonya ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya kaugnay pa rin sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Sina Curlee at Sarah ang nagmamay-ari ng Alpha & Omega Gen. Contractor & Dev’t Corporation at St. Timothy Construction Corporation.
Kabilang ang dalawang kompanya sa listahan ng mga pinangalanan ni President Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha ng malaking prosyento sa flood control projects sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa ikalawang araw ng pagharap ng mga Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry nitong Lunes, September 8, 2025, isa-isa nilang pinangalanan ang government officials, karamihan ay mga congressmen, na humingi at binigyan diumano nila ng porsyento sa mga nakuha nilang flood control projects mula sa DPWH.
Kasunod ito ng paghingi nila ng tulong para sa proteksiyon ng kanilang pamilya, kalakip ang pangakong handa silang tumestigo at maging state witness para ibunyag ang kanilang nalalaman sa malawakang katiwalian sa pamahalaan.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Contractors Curlee and Sarah Discaya, in a joint statement before the Blue Ribbon Committee, identified the congressmen and DPWH officials who allegedly solicited money from their firm after it won bids for flood control projects.
Photo/s: Senate of the Philippines Facebook
Bagay na kinuwestiyon ni Mayor Vico.
Naniniwala ang alkalde ng Pasig na nagsisinungaling ang mga Discaya nang sabihin nila sa Senado na biktima lamang sila sa talamak na kalakaran ng korapsyon sa pagkuha ng mga proyekto sa DPWH.
CONTINUE READING BELOW ↓
Bahagi ng sworn statement na binasa ng mag-asawang Discaya: “Hindi namin ginusto kailanman na mapasama sa ganitong sistema, pero kailangan naming magpatuloy para sa pamilya at mga empleyado.
“Dahil naiipit na ang aming negosyo, lumulubog na kami sa lumalaking utang ng kumpanya, at peligro sa buhay ng aking pamilya, napilitan kaming makisama sa kalakaran kahit labag sa aming kalooban.
“Paulit-ulit kaming ginamit ng mga nasa puwesto sa sistemang ito. Wala kaming nagawa dahil kung hindi kami makikisama, gagawan nila ng problema ang project na na-award sa amin…”
Obserbasyon dito ni Vico, bagamat totoong may mga tiwaling kongresista, opisyal ng DPWH, at kontratista, halata umanong nagprisinta ang mag-asawa na maging state witness para hindi makasuhan at makulong.
Post ng alkalde sa kanyang Facebook account (published as is), “Obviously there are congressmen, DPWH officials, and contractors who are guilty. But the Spouses Discaya are clearly angling to become STATE WITNESS.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Para di sila makulong. We know they are capable of lying (just go back to their campaign period videos and posts).”
MAYOR VICO hits DiscayaS’ “inconsistencies, paawa effect”
Nakitaan din ni Vico ng “inconsistencies” ang naging pahayag ng mag-asawa tungkol sa nakukuha nilang porsyento kada proyekto na ibinibigay sa kanila ng DPWH.
Ayon kay Curlee, around two to three percent — or up to five percent lamang mula sa contract cost — ang napupunta sa kanila sa dami ng binabayaran nilang mambabatas at opisyal ng DPWH.
Ani Vico (published as is): “Today in the Senate hearing, I noticed many inconsistencies in their statement. Yung pinaka obvious na lang munang halimbawa ng kasinungalingan.
“Sabi ni Mistermind Curlee “2-3% lang” ng contract cost ang kita nila kada project.. “swerte na” daw kung 5%. Sa ibang project lugi pa daw sila (wow).
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Taliwas ito sa statement nila sa isang interview, kung saan sinabi nilang bilyonaryo sila at nasa “11 digits” na daw ang pera nila. Meaning AT LEAST PHP10 BILLION…
“Dahil PAANO KA MAGIGING BILYONARYO NA GANUN SA 2-3% PROFIT.
“Presidente na mismo ang nakakita sa ghost project nila. Sinong gagawa ng ganun kalaking krimen para sa 2-3% na kita?”
Sa huli, pinaalalahanan ni Vico ang publiko na huwag papadala sa aniya’y “paawa effect” ng mag-asawang Discaya at iba pang tiwali sa gobyerno na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Saad niya: “Wag tayong magpauto sa mga paawa effect nila… Wala daw silang magawa??
“The challenge is now how to sift through the half-truths and attempts to mislead us, not only of the spouses Discaya but of everyone involved.
“May we be vigilant and discerning.”
MAYOR VICO’S FACEBOOK THAT STARTED IT ALL
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na malaki ang kinalaman at kontribusyon ni Mayor Vico sa pagkakabulgar ng mga kuwestiyonableng transaksiyon ng mga construction company ng mga Discaya sa DPWH.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Nagsimula ito sa kanyang social media post tungkol sa magkahiwalay na panayam nina Julius Babao at Korina Sanchez kina Sarah at Curlee na ipinagmalaki ang kanilang mga iniingatang kayamanan at luxury cars.
Nakalaban ni Vico si Sarah sa mayoralty race sa Pasig City noong May 2025 elections, kunsaan siya nanalo.