×

Bea Borres admits she once attempted to have an abortion

Bea says her acceptance began when Andrea Brillantes sent her a text message.

Bea Borres reveals she once considered abortion

Bea Borres on considering abortion: “Umabot po talaga sa point na nandoon na talaga ako sa clinic. I was going through the tests and everything.”
PHOTO/S: Screengrab Toni Gonzaga Studio on YouTube

Trigger warning: Mention of abortion

Inamin ng influencer na si Bea Borres na sinubukan niyang ipalaglag ang sanggol na nasa sinapupunan niya ngayon.

Ito ay dahil sa edad na 22 ay nabuntis siya nang hindi raw niya inaasahan.

Dagdag pa ritong nagkahiwalay sila ng kanyang boyfriend, ilang araw bago niya madiskubreng buntis siya.

Bagamat walang sinasabing pangalan si Bea kung sino ang huli niyang nakarelasyon, lumantad ang sales vice-president ng iShip Logipack Inc. na si Meray Yamada.

Inako ni Meray na siya ang ama ng dinadala ni Bea.

Noong August 12, 2025, isinapubliko ni Bea sa kanyang YouTube vlog na siya ay nagdadalantao makaraang mag-pregnancy test nang ilang ulit.

Sa panayam ni Bea sa vlog sa YouTube ni Toni Gonzaga nitong Linggo, August 24, ibinahagi niya ang pagpunta sa isang clinic sa Los Angeles, California, para sana ipatanggal ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Bea Borres reveals she once considered abortion

Photo/s: Screengrab Toni Gonzaga Studio on YouTube

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit sa kabutihan daw ng Diyos, ilang senyales ang ibinigay kay Bea para huwag niyang ituloy ang binabalak na pagpapalaglag.

Lahad niya: “I’m not most religious person pero may takot ako sa Diyos.

“Pero noong time na yon, I’m really questioning everything na, ‘Bakit ganon, ulila na nga yung title ko, bibigyan Mo pa ako ng bagong title na single mom?’

“E, parang ang negative po kasi ng connotation sa mga single moms, so I was really scared.

“Umabot po talaga sa point na nandoon na talaga ako sa clinic [to take the baby out].

“I was going through the tests and everything. It took an hour, nandoon ako nakaupo.

“And then, after everything, biglang may pumasok [na nurse], tapos sinabi niya na lang na, ‘You can’t push through with this.’

“So, unang pumasok sa isip ko, ‘Iba Ka talaga, nagpapakita Ka talaga.’

“Well, may reason naman pero mas tineyk ko siya as a sign.”

CONTINUE READING BELOW ↓

Bea’s second sign not to push through with abortion

Nang hindi matuloy ang kanyang pagpapalaglag, emosyunal daw na bumalik si Bea sa New York City kung saan siya namalagi ng ilan pang araw.

Dito na raw niya natanggap ang ikalawang senyales tungkol sa kanyang ipinagbubuntis.

Habang nasa loob daw kasi ng eroplano ay naging emosyunal si Bea. Dito na raw siya kinausap ng babaeng katabi niya.

“I was crying sa plane because I was so lost.

“I know naman na if I push through with the pregnancy, kaya ko pa ring buhayin. My baby will grow full of love.

“It’s just that, you know, hindi talaga mawawala yung thoughts na ‘What if?’

“So umiiyak ako, katabi ko po was a white lady, very liberal siya.

“Tapos I think nag-kick in yung maternal instincts niya. Wala akong balak siyang kausapin, then she talked to me.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“She was, like, ‘What’s happening, are you okay?’

“Sabi ko, ‘I’m just really sad because I’m actually pregnant and here in America, women have a choice [to keep the baby or not]. But where I’m from, it’s not really talked about that much.’

“The first thing she said was, ‘Oh well, you know what they say: Babies are blessings from God.'”

BEA’S THIRD SIGN

Sa ikatlong pagkakataon, muli raw pinakitaan ng sign si Bea na nagsasabing huwag niyang ipalaglag ang ipinagbubuntis.

Nangyari raw ito nang may lumapit sa kanyang babae nang makita siyang nakaupo at nagpapahinga sa isang bench sa New York.

Pagbabalik-tanaw ni Bea: “Pauwi na [ako] ng Philippines that time, pero nag-outlet shopping muna, siyempre napagod ako.

“Hindi ako nagbibiro, as in nakatunganga lang ako sa bench, sa chair, tapos biglang may lumapit sa akin na girl na parang from a Christian women’s organization.

“Sabi niya, ‘So if you are going through something and you need support, help and guidance from the Lord, we are here and you can contact us anytime.’ Binigyan pa niya ako ng brochure.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“I was, like, ‘Hala nakatunganga na nga ako.’

“Actually, ini-schedule ko na yung pagbalik ko [sa clinic] tapos biglang may lalapit sa akin na ganoon, tapos babae pa. Sabi ko, ‘Ano ba yan, ang galing Mo naman.'”

Dito na raw napagtanto ni Bea na may plano sa kanya ang Diyos kaya hindi Nito hinahayaang matuloy ang kanyang pinaplano.

Sabi niya: “Parang I was so speechless, but at the same time sinasabi ko sa utak ko na, ‘Ah, hindi Niya ako papabayaan. Magiging okay kami ng baby ko. Wala akong dapat katakutan and I should continue with it.'”

Bea’s Turning Point in Accepting Her PREGNANCY

Sundot na tanong sa kanya ni Toni Gonzaga: “Kailan dumating yung point na sinabi mo sa sarili mo na, ‘Sige, tatlong beses Mo na akong kinausap, okay, I will listen to You, I will keep the baby.'”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa puntong ito ay ipinagtapat ni Bea na malaking tulong sa kanyang pagtanggap ang malapit na kabigang si Andrea Brillantes.

Aniya: “Dito na talaga ako nagsabi na sobrang sakto talaga ng timing. Si Blythe [Andrea] she texted me, she’s also going through something.

“And then, ako naman umiiyak ako, kasi I’m going through a breakup. Tapos she texted me na, ‘Bea, sana girl ang baby mo, tapos ang name niya Hope.’

“Actually, ayun po ang name ng baby ko, Victorious Hope.

“Because of that text, parang na-feel ko na, ‘Ay, may name na siya, so iki-keep ko na ito.’

“Tapos nagkaroon din ako talaga ng hope na hindi pa mag-e-end yung life ko. And mas naging accepting ako.

“Kaya ever since, kahit hindi ko pa alam yung gender ay Hope na talaga ang name ko for my baby.”

Dagdag pa ni Bea, dahil sa sanggol sa kanyang sinapupunan ay nagkaroon siya ngayon ng lakas para lumaban at harapin ang bukas na may positibong pananaw na makakaya niya ang lahat.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya: “Hope, kasi I was at rock bottom. I feel and I know sa sinabi ko sa public ko, punung-puno na po ako ng hope ngayon.

“Hope na everything will be okay na ibigay talaga ni God sa akin kasi may reason Siya hindi basta-basta lang.

“Kahit na wala akong partner at wala akong kasama, I know that everything will be okay po.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News