×

What Seemed Like a Joke Turned Real: Josh Mojica Sparks Online Uproar with His ‘Billionaire’ Claim!

Josh Mojica’s “bilyonaryo” post backfires, angers netizens

Josh Mojica accuses Rowena Guanzon of believing “fake news.”

Josh Mojica

Content creator and businessman Josh Mojica categorically admits the “bilyonaryo” post he shared is fake news. He now accuses the media and a lawyer for believing the fake news. 
PHOTO/S: Josh Mojica on Facebook

Gaslighting, palusot, biglang bawi.

Ito ang ilan sa banat ng netizens sa digital creator at businessman na si Josh Mojica kaugnay ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

Sa reaction video na inilabas ni Josh noong Sabado, August 23, 2025, pinuna niya ang ilang media organizations, pati ang isang former public official, dahil sa pagpapakalat umano ng fake news na siya ay “bilyonaryo.”

THE ‘BILYONARYO” ISSUE

Nag-ugat ang lahat nang i-repost ni Josh ang post ng isang Facebook fan account noong August 18, 2025.

“21 years old ‘bilyonaryo na’ ikaw?” caption sa FB post na kalakip ang litrato ni Josh.

Napukaw nito ang atensiyon ng netizens, kabilang si former COMELEC Commissioner Rowena Guanzon.

Ni-repost ni Guanzon ang screenshot ng pag-reshare ni Josh ng post ng kanyang fan account.

Patanong ang caption ni Guanzon.

Naka-tag dito ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at nakiusap si Guanzon na i-fact check ang shinare na post ni Josh.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Buong caption ni Guanzon: “Akala ko ang youngest billionaire ay may ari ng mang inasal? Bat nagclclaim itong si kangkong?

“Bureau of Internal Revenue Philippines paki check nga ang taxes ng tao na yan.”

Binura ni Josh ang kanyang repost, subalit kumalat na ang screenshot nito.

JOSH’S REACTION VIDEO

Noong Sabado ay nag-upload ng video si Josh bilang reaksiyon sa kontrobersiya.

Nagpaliwanag at dumipensa ang negosyanteng nakilala dahil sa kanyang kangkong chips business.

Inamin ni Josh ni-reshare niya ang post ng fan tungkol sa pagiging “bilyonaryo.”

Pag-amin niya, “And I shared it kasi natuwa ako sa mga comments, kasi, honestly, yun talaga ang pangarap ko — to become a billionaire one day.”

Ayon kay Josh, marami raw kabataan ang nai-inspire niya.

Pagkatapos nito ay nagpasaring siya: “May isang personalidad sa internet ang naniwala at may mga nagpakalat na agad ng fake news.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

“At sinabi nilang nag-claim daw ako na isa na akong bilyonaryo. Na dapat daw akong tingnan ng isang ahensiya ng gobyerno.”

Sabi pa ni Josh: “Una sa lahat, let’s be clear, I have never claimed to be a billionaire. Maliit pa po tayo masyado para doon.

“Pangalawa, I have always been diligent and compliant in running my business.”

Lahat daw ng ginagawa niya ay “legal, transparent, and focus on growth.”

Paratang pa niya, “So, may mga tao at ilang news outlet na nagpapakalat ng fake news. Nakakalungkot.”

Aniya, sa halip na positibo at katotohanan ang ilabas ng mga ito, “mas pinipili nilang gawing katatawanan o entertainment ang pangalan ng iba.”

Pagkatapos ay pinuntirya niya ang isang government official.

Sabi ni Josh: “At ang mas masakit pa dito, nakakalungkot na pati isa sa pinakamatataas na lider ng ating lipunan, isang napakagaling na abogado, at dating commissioner ng isa sa pinakamalaking ahensya ng gobyerno, ay naniniwala at nagpapakalat ng fake news.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung yan pong mga ganyang kalalaking tao ay napapaniwala, paano na lang yung mga normal na tao na walang oras para mag-fact check kung ano ang totoo sa hindi?”

Walang binanggit na pangalan ni Josh, pero malinaw na si Guanzon ang kanyang tinutukoy.

Sinabi ng negosyanteng mas madaling malilinlang ang ibang tao tungkol sa malaking problema ukol sa fake news.

Binigyang-diin ni Josh sa video na siya ay isang “dreamer” na nagsusumikap magtagumpay bilang negosyante.

“At habang ako ay abala sa pagsisikap at pagsisipag para sa kinabukasan ko, yung iba o karamihan ng nasa Internet ay abala sa paggawa at pagpapakalat ng fake news para sa pansarili nilang kapakanan.”

Bilang pagtatapos, nagtanong ang vlogger kung sino raw ba ang tunay na nakakaawa sa isyung ito.

NETIZENS BLAST JOSH MOJICA

Dahil ipinost ni Josh ang video sa kanyang Facebook account, hindi kataka-takang pumanig ang fans niya sa kanya.

Sabi ng isa, iniidolo niya si Josh at nakikita niya ay ang dedication nito sa negosyo.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Ikaw po dapat ang tularan naming mga hangad yumaman,” komento ng isa.

josh mojica supporter 1
Sinabi naman ng isa na uso sa Pilipinas ang crab mentality.

Mensahe nito kay Josh, “Bilib ako sayo kasi you stay strong when the battle goes on.”

josh supporter 2

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpakita rin ng pagsuporta kay Josh ang iba pa niyang supporters.

Narito ang ilan:

josh mojica supporter 3

josh mojica supporter 4

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

May ilang vlogs na iniulat ang reaction video ni Josh.

Sa mga ito, mas marami ang binanatan ang batang negosyante dahil sa anila’y pag-repost nito ng Facebook post na si Josh Mojica mismo ang nagsabing fake news pala.

“BOBO FAKE NEWS PERO SA KANYA SHINARE MISMONG OFFICAL ACCOUNT… TANGA2 HAMBOG,” buwelta ng isa.

“Fake news pero ikaw nagshare,” sundot ng isa pa.

josh mojica critics 1

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

josh mojica fake news 1
Hirit ng isa pa, “Pero ni share nya yung post na Billionaire sya HAHAHAHA.”

“Ikaw nagpost tapos sasabihin mo fake news gago ka pala eh,” komento ng isa pa.

“Ikaw nagpost sa sarili mong FB tas fake news ano yan? Yung kamay mo ba fake news? Tas yung katawan hiwalay sa kamay mo naano kana? High ka ata,” sundot ng isa pa.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

josh mojica fake news 5

josh mojica fake news 3

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“UL*L! Sinabi mo nga shinare mo nga yung sinasabi mong fake news dahil natuwa ka eh!” dagdag ng isa pa.

“Funny ka! Pinakalat nya yun sa socmed. Takot lang nito habulin ng BIR,” banat ng isa pa.

josh mojica fake news 6

josh mojica fake news 7

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pinaligtas ng iba ang anila’y pangga-gaslight ni Josh.

Hindi nakaligtas sa kanila ang isyung ang negosyante raw mismo ang may kasalanan.

Komento ng netizen: “Nang gaslight pa nga. Twisting his own words na siya naman ang gumawa.”

josh mojica gaslight
Marami rin ang nagkomento ng biglang bawi ni Josh matapos may tumawag ng pansin sa BIR.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isa: “Yabang yabang tas bigla tiklop hahaha takot maimbestigahan ahhh.”

josh mojica bash 1
Marami pang ganitong comment ukol sa “biglang bawi,” “palusot,” “hugas kamay,” at pagbabago ng tono ni Josh matapos pag-usapan ang pag-repost niya ukol sa pagiging “bilyonaryo” niya.

Buwelta naman ng isang female netizen kay Josh, sa halip na magpalusot ito ay akuin ang kanyang pagkakamali.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Puro ka palusot. Man up!” komento nito.

josh mojica critics 1

josh mojica critics 2

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

josh mojica critics 3

josh mojica critic

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Batay sa kanyang reaction video, malinaw na inakusahan ni Josh na nagpapakalat ng fake news si Guanzon.

Pero kung babasahin ang caption ni Guanzon, ang ginamit nitong salita ay “claim,” at nakiusap sa BIR na i-verify ang “fake news” na bilyonaryo na ni-repost ni Josh.

Taliwas sa pahayag ni Josh, ang caption ni Guanzon ay nagnanais mag-verify at iwasan ang fake news.

Lumalabas na hindi inunawa ni Josh ang konteksto ng post ni Guanzon bago ito naglabas ng pahayag.

Hindi rin pinalampas ng ibang netizens ang recent issue na kinasangkutan ni Josh nang patawan siya ng 90-day driver’s license suspension matapos mag-viral ang pagbi-video niya habang minamaheno ang Porsche luxury car sa kahabaan ng EDSA.

Malinaw na isa itong traffic violation.

Inako naman niya ang pagkakamaling iyon.

josh mojica drive

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

josh mojica drive

josh mojica vlog

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Batay sa komento ng maraming netizens, marami ang nakaunawa sa isyu.

Taliwas sa pahayag ni Josh na napapaniwala ang ordinaryong netizens sa isang fake news, lalo kung naniwala ay ang ang mga lider ng lipunan.

Mismong si Josh, full of contradictions ang mga pahayag sa ginawang reaction video.

Para sa isang content creator na daan-daang libong followers, iresponsable ang pagsi-share ng isang post na alam niyang fake news pala.

Tila sinisino ni Josh ang kakayahan ng ilang netizens na matukoy kung ano ang fake news at hindi.

Batay sa mga komento sa istoryang ito, ipinakita ng maraming netizens ang kakayahan nilang unawaing maigi ang isang isyu.

Sa isyung ito, pinatunayan ng maraming netizens na ang tamang pag-unawa sa isang isyu o sitwasyon ay walang kinalaman kung ikaw ay may pera o wala.

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News