×

Elijah Canlas says birthday gift from Miles Ocampo “made me cry”

Elijah marked 25th birthday with Miles, family, and close friends.

Elijah Canlas shares how he celebrated his 25th birthday with girlfriend Miles Ocampo, friends, family, and close colleagues.

Elijah Canlas on birthday gift from girlfriend Miles Ocampo: “So, napaka-thoughtful ng gift na yun and I really appreciated it. I loved it.”
PHOTO/S: Rachelle Siazon / @elijahcanlas Instagram

Na-touch si Elijah Canlas, 25, sa effort ni Miles Ocampo, 28, na pasayahin siya sa kanyang ika-25 kaarawan.

Sa solo presscon niya nitong Miyerkules, August 20, 2025, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang natanggap niyang regalo mula sa nobya.

“Ang gift ni Miles sa akin which made me cry… She gave me an in-ear [earphones]. Kung alam niyo yung in-ear [yung ginagamit] for performances.

“She gave me an in-ear na kinustomize niya,” saad ni Elijah.

Hindi pa raw kaagad napansin ni Elijah na may initials niya ang in-ear earphones na ibinigay ni Miles.

Kuwento ni Elijah: “Sa right ear it was like EC yung nakalagay, so Elijah Canlas. Hindi ko napansin. And then I was, like, ‘Thank you.’

“Sabi niya, ‘Tingnan mo pa. Tingnan mo pa.’ Then I looked at the other ear, it was my tattoo.

“It was my one and only tattoo dedicated to my late brother.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nakababatang kapatid ni Elijah na si JM Canlas ay pumanaw noong August 4, 2023.

Nagpalagay si Elijah ng thumbs up tattoo sa kanyang right forearm bilang alaala sa trademark pose ng kapatid.

Dagdag ni Elijah: “So, naiyak ako kasi naisip ko na every time I’ll be performing, he’ll be listening, you know? He’ll be right with me.

“So, napaka-thoughtful ng gift na yun and I really appreciated it. I loved it.”

Binigyan ni Miles si Elijah ng in-ear earphones dahil bukod sa pag-arte ay pinasok na rin ng binata ang pagkanta.

ELIJAH CANLAS CELEBRATES BIRTHDAY AT ARCADE

Nang tanungin ng PEP kung paano siya nagdiwang ng kaarawan, ibinahagi ni Elijah na sinalubong niya ito habang siya ay nasa recording studio noong August 15.

Tinapos daw ni Elijah ang isinusulat niyang kanta para sa kanyang upcoming album.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

“So, inabot kami ng 2:00 A.M. Tapos birthday ko na. Di alam ng mga tao na birthday ko. Di ko sinabi. Parang focused lang kami sa music, ganoon.

“Pero si Miles dumalaw sa studio tapos sinurprise niya ako, so nalaman na nila.”

Noong gabi ng August 16 naganap ang mismong birthday party ni Elijah sa Arcadia sa Century Mall sa Makati City.

Kasama niya roon ang mga kaibigan, kapamilya, at mga katrabaho sa Cornerstone, ang kinabinilangan niyang talent management.

“Ang ganda ng concept. Actually sila na rin nakaisip mag-birthday party sa arcade.

“And I was, like, ‘Parang pangbata. Matatanda na yung mga kaibigan ko. Hindi na sila siguro maglalaro.’

“But everybody enjoyed. Nandoon kami ’til late [night]. Kaya I’m very happy with that party. Some people said it was the best party ever.”

Wala na raw mahihiling pa si Elijah kundi “world peace,” good health para sa sarili at mga mahal sa buhay.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Lubos ang saya niya dahil bukod sa blooming love life ay ratsada rin ang kanyang showbiz career.

ELIJAH CANLAS PROJECTS IN 2025

Sa kanyang presscon, ipinagmalaki ng Cornerstone na nito lang kalahati ng taong 2025 ay dire-diretso ang mga proyektong nagawa ni Elijah.

Bibida siya sa 2025 Cinemalaya entry na Raging kasama si Ron Angeles.

Gumanap siya bilang anak ni Richard Gomez sa upcoming action-thriller film na Salvage Land, na iprinodyus ng Rein Entertainment.

Pasok sa 63rd New York Film Festival ang pinagbidahan niyang short film na Water Sports, na ang direktor ay si Whammy Alcazaren.

Si Elijah ang ka-love triangle nina Julia Barretto at Enrique Gil sa upcoming series na Hello, Heaven sa TV5.

Isa si Elijah sa siyam na hosts ng Vibe, ang bagong music countdown chart ng TV5, na ang direktor ay si Johnny Manahan.

Nasa last leg na ang shooting ng Edjop, ang biopic ni Edgar Jopson na pinagbibidahan niya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Hulyo, pinagbidahan niya ang theatrical adaptation ng Dagitab, ang 2014 Cinemalaya film ni Giancarla Abrahan.

May short but meaty role siya sa Sunshine, ang acclaimed advocacy film na pinagbibidahan ni Maris Racal.

Mayroon siyang paparating na 10-track album, na panay original composition niya.

Hindi pa masabi ni Elijah ang dalawa pang proyekto niya ngayong 2025, pero isa raw doon ay mailulunsad sa isang international filmfest.

Kaya puno ng pasasalamat si Elijah at inspirado siyang patuloy na ibigay ang 100 percent niya sa trabaho.

Lalo pa’t minsan sa kanyang career ay naranasan din niyang maghintay ng matagal na panahon bago nabigyan ng big break.

“Medyo mahirap talaga siya. Pero sometimes patience is all it takes, and the right opportunity, the right people who will believe in you. Yun talaga yun,” saad ni Elijah.

Related Posts

Our Privacy policy

https://weeknews247.com - © 2025 News