Pokwang: “…hindi naman si nanay Rosario nagsulat ng script ni meme.”
Pokwang (left) appeals to critics of Vice Ganda (in green) not to drag his mother, Rosario Viceral (in white), into the controversy over his “jetski holiday” joke, which appears to poke fun at former President Rodrigo Duterte’s past issue.
PHOTO/S: Pokwang on Facebook/Screengrab Vice Ganda on YouTube
Nanawagan ang Kapuso comedienne-TV host na si Pokwang sa mga bumabatikos kay Vice Ganda na huwag idamay ng mga ito ang ina ng It’s Showtime host na si Rosario Viceral.
Pinuputakti ngayon ng batikos si Vice mula sa masugid na tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng “jet ski holiday” joke ng komedyante sa Superdivas concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Araneta Coliseum noong August 8, 2025.
Sa concert, may isang segment kung saan ginawang joke ni Vice ang kontrobersiyal na jet-ski promise ni Duterte noon patungkol sa West Philippine Sea.
Maging ang pagkakakulong ngayon ni Duterte sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, dahil sa kasong crimes against humanity, na bunsod ng kanyang madugong kampanya laban sa droga.
Ginawa itong joke ni Vice gamit ang viral Jet2holiday meme.
Pokwang appeals to the public to spare Vice Ganda’s mom from bashing
Bukod kay Vice, dawit din ang kanyang ina sa pangungutya, panghahamak, at ginagawang katatawanan ng ilang DDS o diehard Duterte supporters.
Bagay na hindi pinalampas ni Pokwang, na kilalang malapit na kaibigan ni Vice.
Sa X (dating Twitter) nitong Lunes, August 11, nakiusap si Pokwang sa mga tagasuporta ni Duterte na huwag idamay sa kontrobersiya ang ina ng It’s Showtime host.
Giit ni Pokwang, naiitindihan niya kung may mga na-offend sa naging hirit ni Vice kay Duterte.
Ang hindi raw tama ay idamay ang walang kamuwang-muwang na ina nito na kilala naman ng marami bilang simpleng mamamayan at hindi artista.
Saad ni Pokwang (published as is): “wag naman po tayong ganyan! kung may na offend man sa Joke ni Vice e wag naman po idamay ang nanay kasi hindi naman artista or politiko ang kanyang ina.
“kaming mga artista at politiko ay tanggap namin na na ba bash kami kahit minsan masakit, wag naman si nanay Rosario please.”
CONTINUE READING BELOW ↓
AZ Martinez and Ralph de Leon at GMA Gala 2025
Isang tagasuporta ni Duterte ang sumagot sa post na ito ni Pokwang.
Sabi nito (published as is): “Never Forget na buong pagmamahal sya. Greet ni PRRD nung Bday at puro magagandang salita Ang narinig Nya sa Presidenteng 80 years old !!!at yung Song bird nasa status ng pang international level Lumelevel sa pagkachaka ng Vice Chaka !!!”
Mabilis itong sinagot ni Pokwang.
Paliwanag niya, sigurado siyang walang kinalaman ang ina ni Vice sa pagsusulat ng skit kaya hindi dapat itong nadadamay sa isyu ng kanyang anak.
Saad ni Pokwang (published as is): “Im sure di naman nya nalilimutan yan pero yung idamay natin ang nanay na hindi naman artista or politiko e maling mali po, hindi naman si nanay Rosario nagsulat ng script ni meme or nag utos sa kanya na ganon ang i joke nya!”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Samantala, bukod kay Pokwang, ilang netizens at mambabatas din ang dumepensa laban sa kaliwa’t kanang batikos na natatanggap ngayon ni Vice.
Iisa ang naging naratibo nila—naiintindihan nila ang It’s Showtime host at ang hirit nito sa concert ay parte lamang ng show, kung kaya’t hindi raw tamang gawing big deal ito ng mga masugid na tagasuporta ni Duterte.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Nangyari ito makaraang mag-viral sa social media ang pekeng resolusyon na nagsasabing idineklara nang persona non grata si Vice sa Davao City dahil sa nagig hirit nito sa dating Pangulo.
Photo/s: Screengrab on Facebook
Nitong Martes, August 12 mariing itinanggi ni Davao City acting Vice-Mayor Rodrigo “Rigo” Duterte II na naglabas sila ng resolusyon.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Si Rigo ang bunsong anak ni Davao City First District Representative Paolo Duterte.
Pahayag ni Rigo Duterte II, may mas mahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin ang kanilang lungsod kesa gumawa ng resolusyon tungkol sa ginawa ni Vice.
Pahayag niya: “The members of the Sangguniang Panglungsod ng Davao have far more important matters to attend to than entertaining baseless, attention-seeking antics from performers desperate for relevance.
“Contrary to what this viral document suggests, the Council’s time and energy are devoted to crafting policies and programs that improve the lives of Dabawenyos—enhancing infrastructure, ensuring public safety, creating livelihood opportunities, and strengthening social services.”
Tinawag din ni Rigo na “cheap insults and distasteful jokes made for clout” ang ginawang hirit ni Vice patungkol sa kanyang lolo.
Pahayag niya: “Davao City will not be distracted by cheap insults and distasteful jokes made for clout. Public figures like Vice Ganda who use their platform to mock rather thar uplift, reveal more about their character.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Public figures like Vice Ganda, who use their platform to mock rather than uplift, reveal more about their own character than about the people they ridicule.
“If Vice Ganda wishes to be remembered for more than empty laughs and headline-grabbing jabs, perhaps it’s time to show the same hard work, discipline, and respect that Davao’s leaders and citizens demonstrate daily.”
“Until then, Davao City will continue moving forward — with or without the approval of those who mistake insult for entertainment.”
Si Rigo ang umaaktong vice-mayor ngayon ng Davao City dahil ang kanyang tiyuhin na si Baste Duterte, na nanalong vice-mayor nitong 2025 elections, ang acting mayor ng kanilang lungsod.
Si Baste ang pansamantalang humalili sa kanyang amang si Rodrigo Duterte bilang mayor ng Davao City.